BRGY. ANIBONG

KASAYSAYAN NG BARANGAY ANIBONG

Noong unang panahon, hindi pa kilala ang barangay na ito sa kasalukuyan niyang pangalan. Nakuha ang pangalan ng Anibong sa isang punong kahoy na kung tawagin ay “Anibong”. Ang baryo na ito ay namumukod tanging napakaraming puno ng Anibong. Ang punong ito ay kawangis ng puno ng bunga na nginanganga at may malaking tulong sa paggawa ng isang bahay; nagagamit ito sa paglagay ng pamakuan.

Noon, hindi lamang ang mga taga rito ang nakikinabang sa puno ng Anibong, pati ang karatig baryo ay gumagamit din nito dahil maganda itong ikabit sa kabahayan. Bukambibig ng mga tao ang puno ng Anibong, sa tuwing may masasalubong kang tao na galing sa baryo lagi nilang sinasabi na galing sila sa mapuno ng Anibong.

Mula noon tinawag nang Anibong ang kasalukuyang Barangay Anibong. Ang kasaysayang ito ay mula sa mga kwento ng matatanda sa lugar.

BARANGAY OFFICIALS

Punong Barangay: PORTON, Randy Hunat
SB Member: PITAS, Bernardo Cabarles
  BO, Remedios Bandola
  HIBID, Salvador Datur
  HAYAGAN, Edgardo Haro
  BANDOLA, Federico Estur
  GARCIA, Nenita Belando
  HEDIA, Rosalinda Alejandrino
Brgy. Secretary: MANABAT, MARIANE H.
Brgy. Treasurer: GIBAGA, IMELDA B.
SK Chairman: ERANDIO, JIM PAUL G.